Pagreresiklo ng Ginamit na Langis at Filter ng Moto
English | Español | Tiếng Việt | 中文 | Tagalog | 日本語 | 한국어 | हिंदी
Huwag Itapon ang Ginamit na Langis at Mga Filter ng Langis
- Mapanganib sa inyo, sa inyong mga anak at sa ating kapaligiran ang ginamit na langis ng motor. Huwag itapon ang ginamit na langis sa mga kanal, paagusan ng tubig-ulan, sa mga basurahan, o sa mga sapa, ilog, wawa o look. Marurumihan ng langis mula sa isang pagpapalit ng langis ang 1,000,000 galon ng tubig.
- Iresiklo ang inyong ginamit na mga filter ng langis. Maaaring magtaglay ang mga ito ng higit sa 45% ng ginamit na langis sa timbang kapag inalis mula sa sasakyan. Ang pagreresiklo ng lahat ng filter na ibinibenta taon-taon sa US ay makakabawi ng 160,000 tonelada ng bakal at maiiwasan na marumihan ang kapaligiran ng milyun-milyong galon ng langis.
- Maiiwasan ng pagreresiklo ng ginamit na langis at filter ng langis ang polusyon sa tubig, mapapangalagaan ang kalusugan ng publiko, at mapananatili ang limitadong likas na yaman.
Mga Serbisyo ng Pagreresiklo ng Ginamit na Langis at Mga Filter ng Langis
- Pagkuha sa gilid ng bangketa
- Maaaring magamit sa inyong araw ng pagreresiklo at araw ng basura para sa mga tirahan ng solong pamilya
- Tawagan ang inyong kompanya ng basura para sa higit pang impormasyon.
Mga Sertipikadong Sentro ng Koleksyon (Certified Collection Center o CCC)
- Higit sa 80 lokasyon ng pagtitingi ang kasali sa programang CCC sa Santa Clara County. Tatanggapin nila ang inyong ginamit na langis nang libre.
- Tumatanggap din ang maraming sentro ng mga filter ng langis nang LIBRE.
- HUWAG ILAGAY ang inyong ginamit na langis o mga filter ng langis sa labas ng tindahan o kapag ito ay sarado.
- Mag-click dito para sa listahan ng Mga Sertipikadong Sentro ng Koleksyon.
Hindi tatanggapin ng mga sertipikadong sentro ang anumang kontaminadong ginamit na langis, antifreeze, transmission fluid o brake fluid mula sa mga residente.
Kung mayroon kayo ng alinman sa mga kontaminadong produktong ito, mangyaring tumawag sa Programa ng Mapanganib na Basura sa Bahay para sa appointment ng pagtatapon sa (408) 299-7300 o maaari mong i-click ang button sa ibaba.
Certified Center List for Santa Clara County Residents
*Pakitawagan ang Sertipikadong Sentro ng Koleksyon bago ang anumang paghahatid.
Mapanganib na basura ang ginamit na langis sa Estado ng California. Narurumihan ng langis na ilegal na itinapon ang kapaligiran at isinasapanganib ang kalusugan ng tao. Upang itapon nang tama ng publiko ang ginamit na langis, binuo ng California ang Programa ng Sertipikadong Sentro ng Koleksyon ng Ginamit na Langis. Tinatawag na "Mga Sertipikadong Sentro ng Koleksyon" ang mga lokasyon ng pagtatapon, na kadalasang pagawaan ng sasakyan.
Awtorisado ng Estado ang Mga Sertipikadong Sentro ng Koleksyon na tumanggap ng ginamit na langis ng motor mula sa mga residente. Sa ilalim ng programa ng koleksyon, maaaring bayaran ang mga residente ng 16¢ bawat galon para sa lahat ng ginamit na langis na dinala sa mga sentro. Ang ilan sa mga Sertipikadong Sentro ay tumatanggap din ng mga ginamit na filter ng langis.